Thursday, October 13, 2005
Artista ka?Ako rin!
Hilig ko ang magpangap
Magkunwari
Tila nakakawala ka sa kulungan
At nahahanap ang sarili.
Mahal mo ako?
Ako rin!
Matagal ko na ‘to nararamdaman
Sinusupil
Tila langit ang pakiramdam
Pag ikaw ay kapiling.
Nagbibiro ka lang?Ako rin!
Laos na ang pag-ibig
Kalokohan
Tila isang kasinungalingan
Ng mga romantiko’t sawi.
Artista ka?Ako rin!
Ang galing mo pala
Dahil ako ay naniwala
Ngayong pagkakataon ko na
Sana’y mapabilib ka.
Hindi kita mahal.(Note: Para sa mga naging bahagi ng aking panandaliang paglalagi sa mundo ng mga makata a.k.a. my MP 110 classmates. Conspiracy ulit tayo.)
Rainbow colours strike @
10/13/2005 01:10:00 AM