ito na ang pinaka-haggard na buwan ng buong buhay ko.
parang patong-patong lahat ng mga dapat kong gawin. acads, org, etc. ang dami. wala na bang ibang buwan para magtrabaho?
checklist ng dapat kong gawin:
bc 121 - final prod (edit vtr, prepare for live production, etc.) bc 103 - final 30 minute script (choice between radio drama=creative churva or radio docu=legwork and research) comres 101 - pre-finals exam (take note: pre-finals) french 11 - finals com120 - hindi ko alam kung ano meron dito. basta ang alam ko, hindi pa ako dapat magpahinga. mahaba pa ang bubunuin namin na oras. lakan - talakan, other pubcom matters. hindi ko na nga masyadong naasikaso 'to. sorry sa mga taga-Lakan. broadguild - wala naman. gusto ko lang isama.
idagdag pa dito ang mga tambay hours, kain, pahinga, date, at kung ano-ano pa.
nung magsimula yung pinoy big brother, sabi ko sa sarili ko:
"ano ba yan, sobrang hyped-up ng pbb. baka ma-disappoint lang ang mga tao. hindi nga ako manonood nyan."
go nene and franzen.
--------------------------------------------------------------------------------------------- nung sunday, nagpunta kami ni keina sa apartment nila sa makati. pagkatapos ay naisip namin na pumunta sa glorietta kasi gusto namin bumili ng kahit ano. minsan lang din naman kami mapadpad sa makati. at dahil maraming bitbit si keina nun, nag-taxi nalang kami mula sa kanilang apartment papunta sa glorietta. habang nasa taxi kami, may nakita kaming delivery motorcycle ng yellow cab. at dahil paborito ko ang yellow cab pizzas, lagi akong nagco-comment kapag nakakakita ako ng yellow cab delivery motorcycle.
ako: uy, keina, yellow cab o. keina: oo nga no.
dun ko na-realize na naka-park ang motor na iyon sa harap ng isang karinderia. yung tipong bente lang, busog ka na.
ako: tignan mo, nakapark siya sa something-es karinderia. keina: oo nga no.
at dun ko lang din na-realize na ang delivery boy na nagmamaneho ng delivery motorcycle na iyon ay bumibili ng pagkain sa something-es karinderia.
ako: tignan mo, bumibili siya ng food dun sa may karinderia. keina: oo nga no. ako: ang sarap kunan ng picture. keina: oo nga, ang sarap gawing subject.
175 pesos ang pinakamurang pizza sa yellow cab. keso lang ang laman nun. magpapadagdag ka lang ng sibuyas, 35 pesos na. samantalang si manong yellow cab, malamang 175 pesos lang ang suweldo niya sa isang araw. 35 pesos, pagkain na niya sa buong araw.
ang ironic ng life.
Rainbow colours strike @
9/28/2005 10:35:00 PM
Disclaimer
If you guys think I'm absolutely amazing and want me to make you a blog layout, think again. All I did was copy and paste the code from blogskins.com. So there.
Roro who?
Read on to find out. You can also check out my other blogs: at Livejournal and at Multiply. And add me up! I want to be your friend! Haha.